Instagram photo ng baby bump ni Bangs Garcia, viral

Showbiz – Pinag-uusapan ngayon ang larawan ng actress na si Bangs Garcia na seksing-seksi pa rin sa kanyang bikini outfit kahit buntis.

Kamakailan lang nang mag-post ng mga larawan sa Instagram si Garcia kung saan ikinumpara niya ang kanyang katawan noong slim pa siya at ngayong malaki na ang kanyang baby bump.

Nasa ika-33 linggo na ng kanyang pagdadalang-tao ang actress.


Kasalukuyang nakatira sa London si Garcia kasama ang asawang niyang si Lloydi Birchmore.

Sa Nobyembre inaasahang magsisilang ng baby girl ang aktres na papangalanan nilang “Amelia”.

Facebook Comments