
Inatasan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang intelligence, security at operations unit ng BuCor na i-review ang security policies at procedures ng ahensya para maiwasan ang security lapses.
Kasunod ito ng aniya’y nakakaalarmang pag-atake sa tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong April 7, sa kahabaan ng Manila-Cavite Expressway.
Partikular ang nangyari sa sasakyan kung saan lulan ang 37 anyos na si Hu Yang, na may mga kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act at Firearms and Ammunition Regulation Act.
Sinasabing si Hu Yang ay konektado sa notorious kidnapping syndicate na kilala sa mga brutal na gawain kabilang na ang torture at murder sa mga biktima.
Kinumpirma rin ng BuCor na si Hu ay wanted ng Chinese authorities dahil sa pagkakasangkot nito sa kidnapping case sa Jinjiang City sa China.
Sinabi ni Catapang na bagama’t naaresto ang anim sa assailants, kailangan pa rin aniyang maging maingat.