Isang food manufacturer binalaan na pagmumultahin ng P25,000 kada araw ng Inter-agency ng Pasig River Rehabilitation

Nagbabala ang Pasig River Rehabilitation Commission, Department of Environment and Natural Resources, at Laguna Lake Development Authority na pagmumultahin ng 25,000 kada araw patuloy ang  Universal Robina Corporation dahil sa pagtangging magpa-inspection.

 

Una nang iniutos ni PRRC Executive Director Jose Antonio  Goitia ang pag inspection sa  pabrika ng URC dahil sa  illegal discharge ng dumi sa ilog ng  Marikina at Pasig.

 

Simula noon pang Lunes tumatanggi ang URC na papasukin sa kanilang mga pabrika ang mga inspectors.


 

Nag viral sa social media ang video ng puting likido na bumabalot sa  Marikina at  Pasig River.

 

Naipa blotter na rin ito sa barangay blotter at saksi mismo si  Barangay Ilog Chairman Jose Nilo  Abreño.

 

Ayon kay Abdusallam Monakil, ang nag upload ng  video, dapat malaman ng publiko ang nangyayaring  paglason sa ilog.

 

Aniya, mula pagkabata ay sa Ilog Pasig na siya natutong lumangoy kung kayat nababahala siya sa  sitwasyon.

Facebook Comments