INTER-BARANGAY BASKETBALL TOURNAMENT SA DAGUPAN CITY, ILULUNSAD NGAYONG ARAW

Ilulunsad ngayong araw ang ng Dagupan City Sanggunian Kabataan Federation ang Inter-Barangay Basketball tournament na gaganapin sa City Plaza, alas otso ngayong umaga.

Isasagawa ang parada na hudyat ng pagsisimula ng tournament na gaganapin sa loob ng Dagupan City People’s astrodome.

Sa panayam ng IFM News kay Councilor Michael Fernandez hindi umano dapat mawala ang mga gantong sports tulad ng basketbol lalo’t nakatutulong ito sa mga kabataan sa paglilinang ng kanilang disiplina sa sarili.

Iginiit ni Fernandez na kinakailangan bigyan ng halaga ang mga ganitong proyekto na makakatulong sa mga kabataan.

Ang naturang inter barangay basketball sports ay gaganapin sa iba’t-ibang barangay ng lungsod sa mga itinakdang schedule ng mga magtutunggaling koponan ng mga basketbolistang Dagupeño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments