Interim management committee, inirekomenda ng Task Force PhilHealth

41

Inirekomenda ng Task Force PhilHealth na siyang nag-iimbestiga sa mga iregularidad sa ahensya na bumuo ng komite na mangangasiwa sa tanggapan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Una nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na ang Governance Commission for GOCCs (GCG) ay maaaring bumuo ng interim management committee para sa PhilHealth alinsunod sa direktiba ng Office of the President.


Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pinuno ng task force, mayroong ‘systemic problems’ na mahirap iresolba kung ang mga taong mayroong interes na panatilihin ang kasalukuyang structure at system sa ahensya ay mananatili sa kanilang posisyon.

Ang GCG ay minamandatong bumuo ng organizational changes sa GOCCs kabilang nag PhilHealth.

Ang detalye tulad ng kung sino ang magiging miyembro ng isinusulong na komite ay tutukuyin ng GCG.

Facebook Comments