Internal audit sa buong hanay ng pulisya, suportado ng iba’t ibang grupo

Suportado ng iba’t ibang grupo ang direktiba ni bagong Philippine National Police (PNP) Chief Nartatez patungkol sa masusing internal audit ng mga unit at muling pagsusuri sa mga posisyon sa hanay ng pulisya.

Ito’y upang matiyak na tama at patas ang operasyon sa lahat ng antas.

Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ibinabalik ng Pambansang Pulisya ang dangal sa serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng pamumuno na may integridad.

Hindi rin umano kailangang maingay para maging epektibong lider dahil ang tunay na sukatan ng pamumuno ay nasa gawa, disiplina at tapat na paglilingkod.

Bilang kasalukuyang hepe ng PNP, buo na umano ang tiwala nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Matatandaaang naging payapa ang mga kilos-protesta o naging malaya ang mamamayan na maipahayag ang kanilang saloobin noong September 21.

Pinatibay din niya na walang “quota arrest” sa PNP, dahil ang hustisya ay hindi umano nasusukat sa dami ng nahuhuli kundi sa pagiging patas ng proseso.

Facebook Comments