Internal issue sa PDP-Laban, dapat isantabi ngayon may pandemya

46

Dismayado si dating Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) President Senator Koko Pimentel sa nangyayari ngayon sa loob ng partido.

Ayon kay Pimentel, nakakaabala ito sa kanilang pagmamadali na maipasa ang mga priority ng administrasyon.


Giit ni Pimentel, isantabi muna ang PDP-Laban internal party issues ngayong may COVID-19 pandemic.

Sinabi ito ni Pimentel sa harap ng nakatakdang national assembly ngayon ng PDP-Laban na walang basbas ng kasalukuyang Presidente ng partido na si Senator Manny Pacquiao.

Sinabi naman ni PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac na nakalulungkot na sa gitna ng pandemya ay politika pa rin ang pinaiiral.

Diin ni Munsayac, mas dapat pagtuunan nating lahat ang pagtiyak na makakabangon ang bansa mula sa kasalukuyang krisis.



Facebook Comments