INTERNATIONAL CRIME SYNDICATE, NASA LIKOD NG FLOATING SHABU NA NATAGPUAN SA KARAGATAN NG PANGASINAN, ILOCOS AT ZAMBALES

Isiniwalat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang Sam Gor, isang international crime syndicate ay ang may pakana sa mga natagpuang palutang-lutang na bilyon-bilyong halaga ng shabu sa karagatan ng Pangasinan, Ilocos at Zambales, sa nakalipas na linggo.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, ito ay binubuo ng limang five-drug triad alliance na kinabibilangan ng 14K, Bamboo Union, Big Circle Gang, Sun Yeen On, at Wo Shing Wo, kung saan ang mga mastermind ay nakabase umano sa Hong Kong and Taiwan.

Ayon pa sa ulat, ang operasyon nito ay kumikilos sa iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific Region, kabilang ang Pilipinas.

Sa nakalipas na mga araw, naisurrender ang 1, 038 na kilo o higit isang toneladang suspected shabu, na nagkakahalaga ng P7, 058, 400, 000. 00 na natagpuan ng mga mangingisda sa Pangasinan, Ilocos Sur at Zambales.

Ito na ang pinakamalaking maritime seizure sa iligal na droga sa mga nakalipas na taon.

Mas pinaigting ngayon ng PDEA Regional Office 1, Philippine Coast Guard District Northwestern Luzon, Philippine Navy Northern Luzon Naval Command, NBI Region 1 at PNP ang kanilang maritime patrols at aerial surveillance sa posible pang pagkakatagpo ng mga napadpad na palutang-lutang na kontrabando sa dagat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments