International Youth Day Celebration sa Iligan dinaluhan ni NYC Chairperson Aiza Seguera

Iligan City, Philippines- Dinaluhan ni National Youth Commission Chairperson Aiza Seguera ang selebrasyon ng International Youth Day noong sabado dito sa lungsod ng iligan.   Idinaan ni Seguera sa kanta ang kanyang mensahe para sa mga kabataan na naglalayong magkaisa at pagkakaintidahan at nang makamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagmamahalan.   Sadyang ang iligan ang dinaluhan ni Seguera para sa nasabing selebrasyon dahil nais niyang ipakita sa mga kabataan ang kahalagahan ng mga ito lalong-lalo na ngayong patuloy ang kagulohang nangyayari sa Marawi City.   Hinimok ni Seguera ang mga kabataan sa iligan na ipagpatuloy ang maigi nilang pag-aaral sapagkat isa ito sa kanyang pinaniniwalaan na ang mga kabataan ay pag-asa ng bayan.

Facebook Comments