Internet cafe sa Valenzuela, pinagnakawan

16

Manila, Philippines – Natangayan ng kita ang isang internet café matapos umatake ang dalawang holdaper sa barangay Dalandanan, Valenzuela City.

Sa ulat, nabatid na patu­ngo sana sa bangko ang mga may-ari ng cafe para ideposito ang kita ng ka­nilang kumpanya ng tatlong araw nang hara­ngin ng dalawang salarin na sakay ng isang motorsiklo.

Walang nagawa ang mga biktima kundi ibigay ang bag na naglalaman ng mga pera sa mga salarin makaraang tutukan sila ng baril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Malanday.

Aabot sa 300,000 pesos ang halaga ng natangay ng mga suspek.
DZXL558

Facebook Comments