INUMAN, NAUWI SA SAKSAKAN SA BAYAN NG ROSALES

48

ROSALES, PANGASINAN – Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang kwarenta’y tres anyos na pintor matapos itong saksakin sa bayan ng Rosales.

Ang suspek ay nakilalang si Warlito Delfin, samantalang ang suspek ay nakilalang si Dennis Alvarez, mga residente ng Brgy. San Pedro West sa nasabing bayan.


Naganap ang insidente pasado alas sais ng gabi, nang ang anak ng suspek ay nakipagtalo sa biktima at ilang mga kasamahang umiinom.

Walang anu-ano ay umuwi na ang anak nito subalit ang suspek ang bumalik sa inuman kung saan nagkaroon ng komprontasyon na nagresulta sa pagsaksak ng suspek sa biktima.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang biktima habang nasa kustodiya na ng PNP ang suspek.

Facebook Comments