Inuman ng magkapatid, nauwi sa saksakan, 1 patay sa Pangasinan

Patay ang isang 35 anyos na lalaki nang pagsasaksakin ito ng kaniyang kuya sa bayan ng San Manuel Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng otoridad, nagkainuman ang biktimang si Benjamin Dacoscos at ang kuya nitong si Eliazaldy Dacoscos nang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa.
Umuwi na ng bahay ang suspek upang matigil na ang pagtatalo ng dalawa ngunit sinundan pa ng biktima ang kaniyang kuya sa kaniyang tahanan.
Dito na sinaksak ng suspek ang kaniyang kapatid sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib gamit ang kutsilyo.
Itinakbo pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Sa ngayon, nasampahan na ng kasong homicide ang kuya ng biktima.
###

Facebook Comments