Nauwi sa sakitan ang dapat lamang sana’y inuman ng magkapatid na lalaki sa Dasol, Pangasinan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Dasol Municipal Police Station, Officer-In-Charge PCpt. Noven Quitalig, nag-iinuman ang dalawa kasama ang kanilang stepfather nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkapatid.
Dito na naganap ang pananaksak.
Ani Quitalig, bunsod umano ito ng impluwensya ng alak kaya nagawa ang insidente.
Nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima na agad ding isinugod sa pagamutan.
Nirespondehan ng pulisya ang insidente at nadakip ang suspek at ang ginamit na panaksak.
Paalala ni Quitalig, piliing maging kalmado at responsable sa mga ikinikilos lalong lalo na kapag nasa ilalim ng impluwensya ng alak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments