Investment Minister ng UAE, nakipagkita kay Pangulong Marcos

Nag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Investment Minister ng United Arab Emirates na si His Excellency Mohamed Bin Hassan Al-Suwaidi.

Sa kanilang pulong, ipinahayag ng Pangulo ang kaniyang hangarin na mas maging malapit pa ang ugnayan ng Pilipinas at UAE sa iba’t- ibang larangan.

Noong Nobyembre ay una ng bumisita si Pangulong Marcos sa Abu Dhabi, UAE kung saan tinalakay nito kay UAE President His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan ang tungkol sa kooperasyon, ekonomiya, at kalakalan.


Nagpasalamat din si Pangulong Marcos sa UAE para sa kanilang pagkalinga sa mga Pilipino at pagkilala sa mga ambag nito sa sa pag-unlad ng UAE.

Facebook Comments