Investors, dagsa sa Tagum-PNP para magreklamo kontra Investment Company

Sa Davao Del Norte, dinagsa ng mga investors ang tanggapan ng Tagum City Police Office para magreklamo kontra sa isa pang investment scheme na may pangalang Titan 29.

Ayon sa isang negosyante at agent na si Annie Chris Labrador, nakatanggap umano siya ng death threat mula sa mga investors na nag invest ng aabot sa 2 Million Pesos pero isa rin ito sa mga nagreklamo dahil hindi na niya umano mahagilap ang CEO at marami-rami rin aniya ang hindi nakapay out.

Kung maaalala, may isang investment scheme din ang inireklamo noong nakaraang Linggo na may pangalang Questlink Digital Markerting Services dahil hindi rin mahagilap ang Ceo at operations manager nito na tangay ang 200 Million Pesos mula sa mga investors.


Facebook Comments