IO ng mga ahensya ng gobyerno sa ARMM sumailalim sa workshop sa paggawa ng communication plan!

16

Lumahok ang Information Officers ng government line agencies sa ARMM sa workshop sa pagbalangkas ng communication plan para sa taong 2017-2022 ARMM Regional Development Plan (RDP) sa ORG compound dito sa Cotabato City.
Sinabi ni ARMM Executive Secretary Atty. Laisa Alamia, ang RDP at development efforts ng regional government, kailangang maiparating sa mamamayan nito.
Ang communications planning workshop ay inorganisa ng Regional Planning and Development Office (RPDO).
Kinumbida naman sa naturang aktibidad si Ms. Nastasia Tysmans ng World Bank upang magbahagi ng mga kaalaman nito sa communication strategy at sa core messages preparation.
May mga ilan na negatibo ang impresyon hinggil sa ARMM, at kailangang maipamalas sa mga ito na ang ARMM (government) ay talagang nagtatrabaho, ayon naman ng RPDO Baintan Ampatuan. photo credit: bpiarmm)

Facebook Comments