Ion Perez, nagalit nang tawaging ‘bakla’ ng bashers

2197

Hindi nagustuhan at nagalit si Ion Perez sa mga netizen na nagpuna sa picture nila ni Vice Ganda na ipinost sa kanyang Instagram.

Sa picture na naka-2,600 comments, makikita na nagpaayos at nagpakulay ng buhok sa si Ion.


Pero, marami ang nakapansin sa posisyon ni Ion na tila may pagkabading at soon-to-be BB Gandang Hari ang boyfriend ni Vice Ganda.

Hindi pinapalagpas ni Ion ang ilang maaanghang na komento at sinasagot niya ang mga ito ng mga hindi magagandang salita.

Dahil sa insidente, marami ang nagtaka sa inasal ni Ion lalo na’t alam ng lahat na bading ang karelasyon niya na si Vice Ganda.

Facebook Comments