IPAKIKILALA NA | Ikatlong Telco player sa bansa – papangalanan na sa November 7

96

Manila, Philippines – Posibleng pangalanan na sa November 7 ang ikatlong telco player na papasok sa bansa.

Ayon kay DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr. – ang mananalong bidder ay sasailalim sa post qualification process kung saan pag-aaralan pa ng dict at ng National Telecommunication Commission (NTC) ang kanilang mga dokumento.

Nakatakdang tumanggap ang NTC ng bid bukas hanggang sa Martes, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, at sa Miyerkules, mula alas 8:00 hanggang alas 10:00 ng umaga.

Bibigyan ng score ang mga bidders batay sa kanilang mga magiging commitment.

Facebook Comments