Ipapatupad ng ECQ, posibleng mapalawig pa

103

Posibleng palawigin pa ang ipatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, dedepende sa kakalabasan ng ECQ kung papahabain pa ito ng gobyerno.


Sinabi naman ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng technical working group ng Department of Health (DOH) na posibleng mapahaba o mapaikli ang lockdown na nakadepende sa target ng gobyerno.

Magsisimula ang pag-iral ng ECQ sa biyernes (August 6) na magtatagal hanggang sa August 20.

Facebook Comments