IPINABABALIK | Korte Suprema, naglabas na ng ultimatum para isauli ni dating CJ Sereno ang kanyang SUV

5510

Manila, Philippines – Naglabas ang Korte Suprema ng ultimatum kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na isauli ang kanyang high-end Sports Utility Vehicle (SUV).

Ito ay kasunod ng patuloy na paggamit ni Sereno sa Toyota Land Cruiser para sa kanyang mga dinadaluhang engagement.

Ayon sa Kataas-Taasang Hukuman, binibigyan na lamang si Sereno ng hanggang June 30 para ibalik ang sasakyang inisyu sa kanya.

Bukod dito, inaasahang mabibigyang resolusyon na rin ang inihaing Motion for Reconsideration (MR) ng kampo ni Sereno na humiling na baligtarin ang desisyon pabor sa quo warranto petition.

Itinakda ng court en banc sa June 19 ang botohan at resolusyon para sa mosyon ni Sereno.

Facebook Comments