IPINAGTANGGOL | PRRD – dinepensahan sina dating Customs Chief Isidro Lapeña at Nicanor Faeldon

40

Manila, Philippines – Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nalusutan talaga ng droga sina dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña.

Gayunman, sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng 39th masskara festival sa Bacolod City kagabi, mistulang ipinagtanggol pa rin ng Pangulo ang dalawang opisyal.

Sabi ni Pangulong Duterte, hindi korap sina Lapeña at Faeldon, at nalusutan lang sila dahil na rin sa bulok na sistema sa Bureau of Customs.

Nilinaw din ni Pangulong Duterte na hindi niya pinagtatakpan si dating BOC Intelligence Officer Jimmy Guban.

Kaya niya raw ito pinaaaresto ay dahil sa may kinasangkutan itong krimen.

Samantala, nagpasaring din ang Pangulo sa isang barangay chairman sa Bacolod na aniya’y konektado sa iligal na droga.

Facebook Comments