IPINAGTANGGOL | Ronnie Alonte, napikon sa “one-night stand” issue na ibinabato kay Loisa Andalio

354

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Ronnie Alonte ang rumored girlfriend niyang si Loisa Andalio laban sa umano ay kinasasangkutan nitong “one night stand” issue.

Kamakailan nang umugong ang balitang may naka-one night stand daw ang young actress na dahilan ang mabigat na pinagdadaan ng relasyon nila ngayon ni Ronnie.

Sabi ng hashtags member, nakakabastos at below-the-belt na ang panghuhusga ng mga tao kay Loisa.

Mas kilala raw niya si Loisa kaya nasasaktan siya sa isyu.

Kasabay nito, nilinaw ni Ronnie na hindi third party ang dahilan ng tampuhan nila ng young actress.

Nauna nang kinumpirma ni Loisa na may nagawa siyang kasalanan na dahilan ng tampuhan nila ng rumored boyfriend pero o.a. raw ang “one night stand” issue.

Facebook Comments