IPINAHINTO | Tourism Secretary Berna Puyat, ipinatigil ang ‘Buhay Carideria Program’

35

Manila, Philippines – Ipinatigil ni Tourism Secretary Bernadette Puyat ang programang “Buhay Carinderia” program.

Ayon kay Puyat, hihintayin muna niya ang approval o review ng Commission on Audit (COA) kung nasa tamang proseso at panuntunan ang pagpapatupad ng programa

Umamin din sa kalihim si Tourism Promotions Board (TBP) Chief Operating Officer Cesar Montano sa paglalabas ng P80 milyon para mabayaran nang buo ang gastos para sa “Buhay Carinderia”

Aniya, nadiskubre rin niya na nasa P320 milyon ang kabuuang pondo para sa “Buhay Carinderia”.

Bukod sa hindi pa natatapos ang proyekto, hindi rin aniya ito dumaan sa bidding.

Ipinasisilip na ni Puyat sa COA pati ang iba pang proyektong pinasok ni Montano mula nang maupo ito bilang pinuno ng TBP.

Facebook Comments