Ipinapatupad na lockdown sa New Zealand, pinalawig pa ng apat na araw dahil sa COVID-19

Pinalawig pa ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern ang ipinapatupad na lockdown sa kanilang bansa matapos patuloy na tumaas ang kaso COVID-19.

Ayon kay Ardern, kailangan nila ng apat pang araw para mapigilan ang pagtaas ng kaso.

Dahil sa lockdown, mahigpit na ipapatupad ang social distancing, pagsuspinde ng mga pagtitipon maging ang palagiang pagsuot ng face mask.


Tiniyak naman ni Ardern na ibababa ang restriksyon sakaling mapigilan ang pagtaas ng kaso ng sakit.

Facebook Comments