IPINATITIGIL | Paniningil ng Meralco ng bill deposit, ipinahihinto

47

Manila, Philippines – Ipinatitigil ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate ang paniningil ng Meralco ng bill deposit sa mga consumers.

Ang bill deposit ay advance na singil ng Meralco para matiyak na makakabayad sa susunod na buwan ang isang consumer.

Maliban dito, ipina-re-refund ni Zarate ang bill deposit na nasingil na aabot sa 3 billion pesos.

Hindi aniya dapat ito payagan ng ERC dahil lalong naghihirap ang mamamayan sa patuloy din na pagtaas ng mga bilihin.

Bukod sa refund, ipinapa-audit din ni Zarate ang perang siningil upang maging transparent kung may kumita nga ba sa bilyong pisong singil sa mga consumer.

Facebook Comments