IPINATUPAD | Pangasinan Provincial Government, nagpatupad na ng force evacuation sa mga residenteng malapit sa Agno river

22

Manila, Philippines – Ipinatupad na ng Provincial Government ng Pangasinan ang force evacuation sa mga residenteng nakatira malapit sa Agno river.

Ito ay dahil sa inaasahang pagbaha kasunod ng pagpapakawala ng tubig sa San Roque Dam.

Ayon kay Pangasinan Gov. Amado Espino – inatasan na niya ang Provincial Disastern Risk Reduction and Management Council na magpadala ng rescue trucks sa Eastern Pangasinan para sa force evacuation.

Humingi na rin ng tulong ang sangguniang panlalawigan sa Philippine National Police (PNP), Philippine Army, at sa mga lokal na pamahalaan at pribadong indibidwal para sa rescue equipment at manpower.

Facebook Comments