Ipinatutupad na health protocols sa mga business establishment, hindi mababago – DTI

73

Nilinaw ng Department of Trade and Industry na walang magiging pagbabago sa mga ipinatutupad na health and safety protocols sa mga business establishment.


Ito ay kasunod ng ginawang pagpapatupad ng Department of Transportation (DOTr) ng reduced physical distancing sa mga pampublikong transportasyon para madagdagan ang kapasidad ng mga pasahero.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, mananatili ang isang metrong layo ng bawat indibidwal sa isa’t isa sa loob ng mga establisyimento.

Samantala, una nang naglabas ang DTI at Department of Labor and Employment (DOLE) ng joint advisory na humihikayat sa mga establisyimento na magtalaga ng isang kwarto na gagamiting isolation room.

Facebook Comments