Ipo at Magat Dam, patuloy sa pagpapakawala ng tubig

78

Dalawa pang dam sa Luzon ang patuloy na nagpapakawala ng tubig matapos ang hagupit ng Bagyong Karding.

Kaninang alas-6:00 ng umaga, isang gate ng Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan ang bukas sa 0.50 meter.

Sa datos ng PAGASA, nasa 101.05 meters ang water level sa dam na malapit na sa 101.10 meters na normal high water level o spilling level nito.


Bukas din ang isang floodgate ng Magat Dam na nasa pagitan ng Ifugao at Isabela.

As of 6AM, nasa 186.76 meters ang lebel ng tubig sa dam na ilang metro na lang din ang pagitan sa 190-meter normal high water level nito.

Tumaas din ang water level sa ilan pang dam sa Luzon maliban sa Binga Dam sa Benguet na bumaba pa sa 570.78 meters ang reservoir water level kaninang umaga mula sa 571 meters kahapon.



Facebook Comments