Iran, itinangging may drone silang pinabagsak ng U.S.

57

Nanindigan ang Iran na wala silang Unmanned Aerial Vehicle o drone na pinabagsak ng aircraft carrier ng America sa bahagi ng strait of hormuz.

 

Ito ay makaraang sabihin ni US President Donald Trump na ang tumira sa drone ng Iran ay ang USS boxer.


 

Kasabay nito, nagbanta si revolutionary guard lider Hossein Salami ng Iran na hindi sila mangingiming gumanti kung merong aatake sa kanilang drone.

 

Matatandaang una nang nagpaliwanag si Trump na dumepensa lang sila sa sitwasyon dahil nanganganib ang buhay ng mga crew na sakay ng US aircraft carrier.

 

 

Facebook Comments

From Advertisers