Iranun Inter- Agency Task Force mas pinalakas

24

Muling nagpulong ang mga opisyales ng Iranun Inter- Agency Task Force kahapon.Isinagawa ito sa bayan ng Barira at host ng venue si Mayor Barok Tomawis.

Dumalo sa meeting ang mga opisyales ng PNP Maguindanao, 603rd Brigade , 37th IB, mga chief of police ng Iranun Towns , heads ng ibat ibang departments at mga alklade na sina Abolais Manalao ng Buldon, Ibrahim Ibay ng Paran at Kits Guro ng Matanog.

Kabilang sa mga napag usapan ang mas pinalakas na kampanya kontra terorismo, kriminalidad, droga, Illegal logging at illegal fishing.

Kapwa naman nangako ang mga opisyales na lalo pang maging masigasig para maipagpatuloy ang katiwasayan sa Iranun Towns.

Matatandaang ngayong taon , lahat ng mga LGUs ng IRANUN sa Maguindanao ay awardee ng Seal of Good Local Governance ng DILG.

Facebook Comments