Iraqi Embassy sa Pilipinas, tumutulong na rin sa mabilis na repatriation ng OFWs sa Iraq

118

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na malaki ang naging papel ng Iraqi Embassy sa Manila, sa repatriation ng mga Pilipino sa Iraq.

Ayon sa DFA, dahil sa pag-tulong ng embahada ng Iraq sa bansa, napapabilis ang pag-proseso sa pagpapauwi sa mga Pinoy na naiipit sa gulo sa Gitnang Silangan


Kahapon, matagumpay na nakauwi sa bansa ang unang batch ng repatriates na binubuo ng labing-isang adults at dalawang bata.

Ito ay bagamat unang hinarang ng Iraqi immigration officers ang siyam sa kanila dahil sa hinalang iligal ang kanilang visa.

Patuloy pa ngayon ang pag-proseso ng DFA sa pagpapauwi sa iba pang Pinoy sa Iraq at Iran.

Facebook Comments