IRR ng Anti Bullying Law, pinare-review ng DepEd

Masusing nirerebisa ngayon ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang IRR ng Anti Bullying Law upang matiyak na mahigpit na nasusunod ang naturang batas.

Ayon kay Secretary Angara, mahalaga na dapat natutupad ang naturang batas lalong-lalo na mahigpit na pagpapatupad ng naturang polisiya kung saan ay kailangan ng batas.

Paliwanag pa ng Kalihim na hinihigpitan nila ang proteksyon ng mga mag-aaral na madagdagan ang kapasidad at matiyak na maraming mga Pilipino na handang tumulong sa mga biktima ng pambu-bully.


Pinaprayoridad din ng DepEd ang pagkuha ng mga guidance counselor o kahalintulad na posisyon upang matiyak na maraming mga tutulong sa mga biktima ng pambu-bully sa mga estudyante.

Facebook Comments