IRR ng Anti-Distracted Driving Act, pinaparepaso ni Senator Binay

Manila, Philippines – Dismayado si Senator Nancy Binay na tila nalusaw ang tunay na intensyon ng Anti-Distracted Driving Act.

Ito ay dahil sa inilabas na Implementing Rules and Regulations o IRR na nagbabawal pati paglalagay ng rosaryo, air freshener at iba pang gamit sa dashboard ng mga sasakyan.

Giit ni Senator Binay, ang layunin ng batas ay ipagbawal ang paggamit ng anumang gadgets, tulad ng pagtawag at pagti-text sa cellphones upang hindi makaapekto sa maayos na pagmamaneho at maging sanhi ng aksidente.


Bunsod nito ay plano ni Senator Binay na maghain ng resolusyon para mabusisi ang nabanggit na IRR.

Ipinunto ni Senator Binay na kung anu-ano na lang ang nakapaloob sa IRR at hindi rin maganda na araw-araw ay nagkakaroon ng ibat ibang interpretasyon dito.
DZXL558

Facebook Comments