IRR ng Anti-Terrorism Law, aprubado na!

79

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na inaprubahan na ng technical group ng Anti-Terrorism Council sa pangunguna ng Department of Justice ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terrorism Law.

Ayon kay Sec. Guevarra, nakatakda nilang padalhan ng kopya ng IRR ang Congress at law enforcement agencies.

Ito ay bilang bahagi ng mandato ng batas.

Tiniyak din ng kalihim na kanilang ipa-publish online at sa mga pahayagan ang IRR sa mga susunod na araw para sa general circulation.

Facebook Comments