ISA ARESTADO ISA NAKATAKAS, MATAPOS MAHULI SA AKTO ANG DALAWANG LALAKING NAGPA POT SESSION SA MANAOAG

Arestado ang isang lalaki habang kasalukuyang pinaghahanap pa ang kasamahan nito matapos silang mahuli sa akto na nagpa pot session sa bayan ng Manaoag.
Pasado alas dose ng hatinggabi ng ipaabot sa PNP Manaoag ang nagaganap na pot session sa Brgy. Oraan West sa nasabing bayan.
Nang puntahan ng mga Pulis ay tumambad sa kanila ang dalawang lalaking kasalukuyang nagpa pot session na agad kumaripas ng takbo ng mapansin ang mga paparating na Pulis.

Nahabol ang isa sa mga ito na nakilalang si Marlon Jimenez residente ng bayan ng Mapandan.
Nakumpiska mula sa kustodiya nito ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, tatlong lighter, isang Caliber 38 at tatlong bala nito.
Inihahanda na ngayon ang isasampang kaso laban sa suspek habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito. |ifmnews
Facebook Comments