Isa kritikal habang 8 pa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Philadelphia, USA

21

Isa ang kritikal habang pito ang sugatan matapos ang nangyaring pamamaril sa Philadelphia sa Pennsylvania, USA.

Nasa kustodiya na ng otoridad ang isang suspek kung saan narekober dito ang dalawang baril na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril.


Dahil dito, nananawagan si Philadelphia Mayor Jim Kenney sa kaniyang mga residente na makipagtulungan para wakasan na ang nangyayaring pamamaril sa kanilang lugar.

Nabatid na nasa pagitan ng edad 17 hanggang 71 ang mga biktima.

Facebook Comments