Isa, nasawi at tatlo ang sugatan sa sumiklab na sunog sa Makati kahapon

Isang oras at kalahati ang itinigal ng sunog kahapon sa Jasmin Street, Barangay Guadalupe Viejo, Makati City na umabot sa ikalawang alarma.

Natupok ng apoy ang isang bahay at nadamay rin ang pitong bahay.

Karamihan sa mga natupok ay gawa sa konkretong materyales.

Nasa 100 indibidwal at 30 pamilya ang apektado.

Habang ang isang senior citizen na lalaki ang nasawi dahil naiwan umano itong mag-isa sa kanyang bahay.

Samantala, tatlo ang naiulat na nasugatan o nagtamo ng minor injury at dinala sa ospital.

Kasalukuyang nasa covered court ng Barangay Guadalupe Viejo ang ilang naapektuhan ng sunog.

Inaalam pa ng Makati City Fire Station at ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments