Isa pa sa mga persons of interest sa Bulacan massacre, patay na ayon sa mga kaanak nito – San Miguel PNP, kinumpirmang si alyas Toni ang natagpuang bangkay sa kanilang lugar

335

Manila, Philippines – Patay na ang isa pang person of interest na may kaugnayan sa pagmasker sa mag-iina ni Dexter Carlos sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Kinumpirma ito ng isang kamag-anak ng person of interest na si Anthony Garcia alyas “Tony” na patay na ito.

Kwento ng kaanak ni alyas Toni kaninang umaga, may itinatawag sa kanilang natagpuang patay sa bulibunduking lugar sa Pacalag, San Miguel Bulacan nang pinuntahan nila ang lugar, kinumpirma nilang si Tony Ito.


Una nang kinumpirma ni San Jose Del Monte Supt. Fitz Macariola na dinukot si Garcia, kahapon sa bahay ng lolo nito sa San Miguel, Bulacan.

Si Garcia ay kabilang sa mga ikinanta ng suspek na si Carmelino alyas “Miling” Ibañez na sangkot din sa krimen.

Nitong Martes, natagpuan ang bangkay ni Rolando Pacinos, alyas “Inggo”.



Kasunod nito, binaril din ng hindi pa kilalang salarin sa kanilang bahay si Roosevelt “Ponga” Sorima.

Sa kasalukuyan, nawawala pa rin ang huling person of interest na si Alvin Mabesa, na dinukot umano ng mga lalaking sakay ng isang van.


Facebook Comments