Isa pang barko ng PCG na may mga kargang bangkang pangisda, dumating na sa Port of Tabaco sa Albay

280

Dumating na sa Port of Tabaco sa Albay ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na may kargang karagdagang mga bangkang pangisda para sa mga mangingisdang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa Bicol Region.

20 fiberglass boat mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region VIII ang ibinaba ng BRP Lapu-Lapu ng PCG sa nasabing port.


Bukod pa ito sa naunang 50 fiberglass boats na ipinagkaloob sa mga mangingisda sa Bicol Region.

Bukod sa mga fiberglass boats, ibinaba rin ng BRP Lapu-Lapu ang mga relief supplies ng Coast Guard Eastern Visayas mula sa donasyon ng mga pribadong indibidwal at organisasyon.

Tinanggap naman ng BFAR-Region V ang mga bangka para maipamahagi sa mga sa mga apektadong mangingisda sa lugar.

Facebook Comments