Isa pang barko ng Philippine Coast Guard, nagkarga ng relief goods mula Negros Occidental patungo sa Catanduanes

845

Lalayag na rin ang isa pang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) patungong Catanduanes mula Port of San Carlos City sa Negros Occidental.

Karga ng BRP Lapu-Lapu (MRRV-5001) ng PCG ang mga donasyon tulad ng sako-sakong bigas, kahon-kahon na canned goods, at galon-galong purified drinking water.


Kahapon, muli ring lumayag patungong Catanduanes ang BRP Gabriela Silang ng PCG karga ang panibagong mga donasyon para sa mga sinalanta ng Bagyong Rolly.

Dumating naman kahapon sa Port of Tabaco sa Albay ang isa pang barko ng PCG kung saan inihatid nito ang mga supplies para sa mga mangingisdang naapektuhan ng Bagyong Rolly sa Bicol Region.

Partikular ang mga materyales sa pagkukumpuni ng mga nasirang motorbanca ng mga mangingisdang naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments