Isa pang insidente ng ligaw na bala naitala sa bayan ng Kalibo

18
Kalibo, Aklan – Nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng Kalibo PNP sa nangyaring insidente ng ligaw na bala sa Brgy. Linabuan Norte, Kalibo, Aklan. Ayon sa kanilang imbestigasyon na nakita ng may-ari ng bahay na si Mateo Robiso na may butas ang bubong ng kanilang bahay pagka gising nito noong Enero 1 mga bandang alas 5:00 ng umaga. Nakita rin ng kanyang asawa na si Thelma Robiso ang bala sa kanilang higaan kung saan itinurn-over ito sa mga pulis. Malaki naman ang pasasalamat ng mag-asawa dahil sa wala namang tinamaan. Sa ngayon ay isinailalim na ito sa ballistic examination ng Aklan Crime Lab at hinihintay pa ang resulta nito. Kung matandaan na isa ring insidente ng ligaw na bala ang naitala sa Brgy. Laguinbanua East, Numancia sa parehong petsa kung saan tumagos ang bala sa screen door at dumikit ito sa kahoy na pinto sa kusina ng bahay ni Mrs. Herbeth Antonino Vargas.
Facebook Comments