Isa pang kongresista, sumalang sa pagbusisi ng partylist coalition para sa mga pagpipiliang speaker ng Kamara

85

Nakasalang ngayon sa pagkilatis ng Partylist Coalition ang isa pang kongresista na kandidato sa pagka-House Speaker na si Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr.

 

 

Ala-una ngayong hapon sumalang si Gonzales sa harap ng 54 na mga mambabatas na myembro ng Partylist Coalition.


 

 

Dito ay ipinalalatag ang mga programa at agenda sakaling mahirang na Speaker sa 18th Congress.

 

 

Matatandaang nauna ng sumalang sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

 

 

Hindi pa sumasalang si dating Speaker Pantaleon Alvarez na nagpahiwatig ng kagustuhan na bumalik sa pwesto.

Facebook Comments

From Advertisers