Isa pang opisyal ng gobyerno, sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte

69

Manila, Philippines – Mataposang pagkakasibak kay dating DILG Sec. Ismael Sueno, isa pang Undersecretary sa Malacañangang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Sa kanyang talumpati sa Talaveria,Nueva Ecija kahapon – sinabi ng pangulo na dismayado siya sa hindi niyapinangalanang Undersecretary dahil sa hakbang nitong pag-iimport ng bigas sakabila ng desisyon ng national food authority na huwag mag-angkat.
  
Pinangalanan naman ni AgricultureSec. Manny Piñol ang opisyal na si Office of the Cabinet Secretary UndersecretaryHalmen Valdez na appointee ng nakaraang administrasyon.
 
Ayon sa kalihim, maspinaboran kasi ni Valdez ang mga pribadong importers sa kabila ng apela ni NFA administratorJayson Aquino na dapat gobyerno ang mag-iimport at magtatago ng bigas.
  
Samantala, dagdag pa ni Duterte,patuloy ang gagawin niyang pagsibak sa mga opisyal na sangkot sa katiwalian.
 
Katunayan aniya, dalawapang Undersecretary ang kanyang sisibakin at limang iba pa ang tatanggalin niyasa posisyon bago matapos ang linggong ito.
 

Facebook Comments