Isa pang opisyal ng PhilHealth, nagbitiw

66

Naghain ng courtesy resignation ang isa pang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kasunod ng mga alegasyon ng iregularidad sa ahensya.

Matatandaang naglabas ng memo si PhilHealth President Dante Gierran kung saan inaatasan ang lahat ng senior officers na may Salary Grade 26 at pataas na magpasa ng kanilang courtesy resignation.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Rey Baleña, umabot na sa 44 na opisyal ang nagbitiw sa kanilang pwesto.

Hindi na nagbigay pa si Baleña kung sino ang bagong nagbitiw na opisyal.

Paglilinaw ni Baleña, magiging epektibo lamang ang courtesy resignations kapag tinanggap na ito ni Gierran.

Dagdag pa ni Baleña, ang pagkakatalaga kay Gierran ay nakakadagdag sa morale ng mga empleyado sa PhilHealth.

Facebook Comments