Isa pang pamilyang Pilipino na naipit sa Ukraine, nakauwi na rin ng Pilipinas

63

Isa pang pamilyang Pilipino na naipit sa Ukraine matapos ang paglusob ng Russia, ang nakauwi na rin ng Pilipinas.

Ito ay kinabibilangan ng isang Pinay at kanyang anak.

Ang mag-inang Pinoy ay tumawid sa Moldova border patungong Bucharest, Romania mula Ukraine.


Agad namang inayos ng Philippine Embassy sa Budapest ang kanilang repatriation flight pauwi ng Pilipinas.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng mga embahada ng Pilipinas sa karatig-bansa ng Ukraine, para sa mga susunod pang repatriation flight.

Facebook Comments