Isa pang panukala para taasan ang sweldo ng private nurses sa bansa, isinusulong sa Kamara

63

Inihain sa Kamara ang isa pang panukalang batas para sa dagdag na sweldo ng private nurses sa bansa.

Sa House Bill 7784 o Salary Increase for Private Sector Medical Workers Act na inihain ni Quezon City Representative Alfred Vargas, layon ng panukala na ipantay ang minimum na buwanang sahod ng mga nurses at medical workers sa private health institutions sa sweldo ng kanilang counterpart na government nurses.


Ninanais ng panukala na mabigyan ng dahilan ang private nurses na manatili ang pagseserbisyo sa bansa ngayon pa na inalis na ng gobyerno ang overseas deployment ban sa nurses at iba pang private health workers.

Base sa datos mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa P10,000 lamang ang sahod ng entry-level nurses sa private sector.

Naniniwala si Vargas na underpaid ang nurses at iba pang health care workers sa mga pribadong ospital kaya dapat na tugunan na agad ng gobyerno ang sanhi ng kanilang pagnanais na makaalis ng bansa at ito ay dahil sa mababang sweldo.

Facebook Comments