Isa pang petisyon kontra sa Anti-Terror Law, inihain sa Korte Suprema

47

Isa pang petisyon laban sa Anti-Terrorism Law ang inihain sa Korte Suprema kanina.

Ang naghain ng ika-limang petisyon ay si dating Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) Chief Rudolf Philip Jurado.


Ang inihain ni Jurado ay Petition for Certiorari and Prohibition na humihirit ng Temporary Restraining Order (TRO) at Writ of Injunction laban sa Anti-Terrorism Law.

Nais din ni Jurado na ideklara ng Korte Suprema na “unconstitutional” ang batas o ang Sections 4 at 29 nito.

Respondents sa petisyon ang Anti-Terrorism Council, Executive Secretary, mga kalihim ng Department of Foreign Affairs, Department of National Defense, Finance, National Security Adviser, gayundin ang Philippine National Police, Kamara at Senado.

Umaasa naman si Jurado na aaksyunan ng Korte Suprema ang kanyang petisyon at iba pang nakahaing petisyon.

Una nang naghain ng kaparehong petisyon ang grupo nina Atty. Howard Calleja, Albay Rep. Edcel Lagman, Dean Mel Sta. Maria ng FEU College of Law, at ang mga miyembro ng Makabayan Block sa Kamara.




Kahapon, July 7, 2020, iniutos ng Supreme Court ang consolidation ng apat na naunang petisyon kontra sa Anti-Terrorism Law at binigyan ang respondents ng 10 araw para magkomento sa mga petisyon.

Facebook Comments