Isa pang pulis na dawit sa kontrobersyal na 990 kilo na drug raid sa Maynila, arestado

Naaresto na ang isa sa siyam na pulis na pinaghahanap kaugnay sa umano’y planting of evidence at mishandling ng mahigit 900 kilo ng shabu sa Maynila noong Oktubre 2022.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo nitong January 31, nahuli na si Staff Sgt. Arnold Tibay at kasalukuyang nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Si Tibay ay isa sa apat na pulis na active sa serbisyo.


Apat pa sa pinaghahanap ng PNP ang aktibo, tatlo ang retired, isa ang resigned, at isa ang dismissed sa serbisyo.

Ani Fajardo inaasahang sa mga susunod na araw ang panibagong warrant of arrest laban sa mga sangkot na pulis kaugnay ng misdeclaration of seized illegal drugs.

Kasunod nito, patuloy na umaapela ang Pambansang Pulisya sa 8 pang pinaghahanap na respetuhin ang batas at makakaasa aniya sila na due process.

Facebook Comments