Isa pang pulis, nadagdag sa mga nasawi dahil sa COVID-19

17

May isa pang pulis ang binawian ng buhay matapos na maging infected ng COVID-19.

Batay ito sa ulat ng Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO).


Ang panibagong pulis na nasawi ay 47-anyos na may ranggong Police Executive Master Sergeant na nakatalaga sa Tagum City Police Office na nasawi nitong May 31, 2021.

Sa ngayon, umabot na sa kabuuang 67 ang nasawing PNP personnel dahil sa COVID-19 simula nang magsimula ang pandemic.

Umakyat na rin sa 24,253 ang naitalang COVID cases sa PNP matapos makapagtala ng panibagong 143 COVID cases ngayong araw at sa bilang na ito ay mayroong 1,650 active cases.

Ngayong araw rin ay may naitalang 236 na gumaling sa virus kaya umabot na sa kabuuang 22, 536 ang recoveries sa PNP.



Facebook Comments