Isa pang pulis, nasawi dahil sa COVID-19; 25 pulis, nadagdag sa mga nagpositibo

Isa na namang pulis ang namatay matapos na magkasakit ng Coronavirus Disease 2019.

Batay sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO), ang nasawi ay 49-anyos na lalaking pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na namatay nitong July 24, 2020.

Dahil dito, umaabot na ngayon sa 11 pulis ang namatay dahil sa COVID-19.


Habang umabot na sa 2,109 na mga pulis ang nagpositibo sa virus.

Ito ay dahil nadagdag ang panibagong 25 sa mga pulis na infected ng virus, 22 dito nakatalaga sa NCRPO, isa sa Police Regional Office 1 at dalawa sa PRO 7.

Pero sa mga bilang ng mga positibo, 771 ang gumaling na habang patuloy na inoobserbahan ang 837 na mga pulis na ikinokonsiderang probable cases at 2,505 ang suspected.

Facebook Comments